• johned@aibi.ph

PATNUBAY SA

 

 PAGPAPABATID AT

 

 

 

 PAMAMAHALA

 

 

 

 

 

 

 

 

Harvestime International Institute

14431 Tierra Dr.

Colorado Springs,  CO  80921

U.S.A.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

©  Harvestime International Institute

 

 

NILALAMAN

 

Pambungad   .       .       .       .       .         .          .          .          .          .         .         .              4

 

 

Mga Layunin   .      .       .       .       .        .         .           .          .          .         .         .             4

 

 

 

UNANG BAHAGI:  PAGPAPABATID

 

Harvestime International Network:   

 

 

Ang Pangalan        .       .       .        .         .         .        .        .         .       .        .        .             5

Kapahayagan Ng Layunin     .        .         .         .        .        .         .       .        .        .             7

Kapahayagan Ng Doktrina    .        .         .         .        .        .         .       .        .        .             8

 

 

Harvestime International Institute: 

 

 

Ang Pangalan         .           .           .          .         .         .        .        .        .         .       .           13

Kami Ay Hindi        .           .           .          .         .         .        .        .        .         .       .          13

Estraktura At Gawain         .           .          .          .         .        .        .        .         .       .          14

Ang Diin Sa Kurikulum      .           .          .          .         .        .         .        .        .       .          16

Pagpaparaming Espirituwal           .          .          .         .        .         .         .        .       .          17

Pag-unlad     .         .          .            .          .          .         .        .         .         .        .       .          18

Mga Tauhan Ng Instituto  .            .          .          .         .        .         .         .        .       .          18

Mga Manunulat Ng Kurikulum      .          .         .          .        .         .         .        .       .         18

Kurikulum    .         .         .             .          .          .         .         .         .         .        .      .          19

 

 

 

IKALAWANG BAHAGI: PATNUBAY SA PANSARILING PAG-AARAL

 

 

Hanay Ng Mga Kurso      .          .            .           .          .         .         .        .         .       .        24

Mga Kagamitan Sa Pag-aaral      .           .           .          .          .        .         .         .       .        25

Pitong Mga Hakbang Sa Pag-aaral         .           .          .          .         .         .         .       .        25

Pagkuha Ng Mga Kurso Na May “Credit”         .          .          .         .         .        .        .        26

Talaan Ng Estudiyante         .          .           .          .          .        .          .        .        .       .        27

 

IKATLONG BAHAGI:  PATNUBAY SA PAMAMAHALA

 

 

Ang Hamon:  Pagsasanay Ng Layco      .           .           .          .         .         .        .        .       29

Lebel Ng Kakayahan Sa Pagpasok         .          .            .          .         .         .        .        .       32

Pag-aangkop Ng Mga Aralin Sa Mga Hindi Nakakabasa At Nakakasulat    .        .        .       32

Pagtatatag Ng Mga Permanenteng Instituto      .         .         .         .       .      .        .        .       32

Pagtatala  Ng Mga Rekord       .       .       .        .         .         .         .        .      .        .        .      32

Pang-grupong Pag-aaral: Paunang Paghahanda          .         .         .        .      .      .        .        33

Pag-aaral Sa Grupo: Pagdaraos Ng Sesyon Ng Pag-aaral     .         .        .      .      .        .       34

Mga Patakaran Sa Pagpapakopya At Pagsasalin         .         .         .        .       .      .       .       36

            Pahintulot sa Pagpapakopya Nang Maramihan         .         .        .       .       .      .       37

            Pahintulot sa Pagsasalin      .       .         .          .        .          .       .        .      .       .       38

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PAMBUNGAD

 

Ang manwal na ito ay nagbibigay ng mga panuntunan para sa pagpapabatid at pamamahala ng Harvestime International Institute, isang kasaping ministeryo ng Harvestime International Network.

 

Ang Unang Bahagi ng manwal ay nagpapakilala sa ministeryo ng Harvestime International Network at ng Institute.

 

Ang Ikalawang Bahagi ay ang mga panuntunan para sa pansariling pag-aaral ng mga materiyales sa kurikulum.

 

Ang Ikatlong Bahagi  ay ang panuntunan sa pamamahala na nagbibigay ng mga patnubay sa pag-aaral sa isang grupo, pagpaparami ng kopya ng materiyales, at pagsasalin ng kurikulum.

 

 

 

 

 

 

 

MGA LAYUNIN

 

Itong Patnubay sa Pagpapabatid at Pamamahala ay:

 

·        Ipinakikilala ang ministeryo ng Harvestime International Network at Institute.

 

·        Nagbibigay ng malawak na pananaw sa mga layunin ng kurikulum.

 

·        Nagbibigay ng mga panuntunan para sa pansariling pag-aaral.

 

·        Nagbibigay ng panuntunan sa pamamahala ng pag-aaral sa isang grupo.

 

·        Ipinaliliwanag ang mga patakaran sa pagpapakopya, pamamahagi, at pagsasalin ng kurikulum.

 

 

 

 

 

 

UNANG BAHAGI:

 

 

 

IPINAKIKILALA ANG HARVESTIME

 

 

Harvestime International Network:  Ang pangalan ng organisasyon ay nagpapakita ng layunin nito:

 

HARVESTIME:

 

Pinagsama ang mga salitang “pag-aani” at “panahon” na nagpapakita ng pangangailangan ng madaling pagkilos sa utos na mag-ani.

 

Nagbabala ang Biblia na, “ Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama” (Kawikaan 29: 18). Hinamon ni Jesucristo ang Kaniyang mga tagasunod sa isa sa pinakadakilang pangitain sa lahat ng panahon:

 

… Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin. (Juan 4:35)

 

Ang hamon para sa mga manggagawa sa mga espirituwal na bukirin ng sanglibutan ay lalong malaki sa paglapit ng pagbabalik ng ating Panginoon at Tagapagligtas, si Jesucristo.

 

Sa natural na mundo, ang pag-aani ay ang pagtitipon ng mga hinog nang anihin, upang pakinabangan ang bunga ng iyong pinagpaguran.

 

Sa espirituwal na mundo, ang pagkakatulad ng natural na prinsipyo ng pag-aani ay ang pag-aani ng kaluluwa ng mga lalake, mga babae, at mga bata sa pamamagitan ng wastong paglalahad ng Ebanghelyo.

 

Sinabi ni Jesus:

 

            Katotohanang ang aanihin ay marami , datapuwat kakaunti ang mga manggagawa.

            (Mateo 9: 37)

 

Ang tanging paraan upang maganap ang dakilang espirituwal na pag-aani ay ang bawat mananampalataya ay maging isang Kristiyanong nanganganak… isang tagapag-ani.

 

Sa pangitaing ito nakatalaga ang Harvestime International Network… ang magtindig ng mga manggagawa para sa espirituwal na pag-aani sa buong sanglibutan.

 

 

INTERNATIONAL:

 

Ang ibig sabihin ng international ay “ sa lahat ng mga bansa.” Ang ating pangitain ay ang buong mundo, na may diin sa mga grupo ng mga tao na hindi pa naaabot ng mensahe ng Ebanghelyo.

 

NETWORK:

 

Ang network ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang bahagi upang maging isang buo. Gumagawa sa loob ng mga denominasyon, organisasyon, at ng bansa sa isang bagong network ng Ebanghelismo. Ito ang pangitain ng ministeryong ito.

 

Sa madaling salita, ang network ay mga tao na nag-uusap, nagbabahaginan ng mga kaisipan, impormasyon, at mga kayamanan upang maabot ang iisang pinapakay para sa Harvestime International Network, ang pakay ay abutin ang buong mundo ng Ebanghelyo ng Kaharian.

 

Ang network ay tulad ng isang pinagbuhul-buhol na lambat na may mga selula na iba’t ibang laki, ang bawat isa ay kaugnay ng lahat, direkto o hindi.

 

Ang kahulugan ng Iglesia sa Bagong Tipan ay isang halimbawa ng “networking.” Ang Iglesia ay inilarawan bilang isang katawan na may iba’t ibang bahagi, mga mananampalatayang pinagkalooban ng mga kakayahan na gumagawang magkakasama sa ministeryo at pagmimisyon

(I Corinto 12: 4-31).

 

Ang kapangyarihang humahawak sa network ay ang kapamahalaan ng Salita ng Dios at ang pangunguna ng Panginoong Jesucristo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KAPAHAYAGAN NG LAYUNIN

 

Laging sa espirituwal na pag-aani itinuon ni Jesuscristo ang paningin ng Kaniyang mga alagad:

 

Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? Narito, sa inyo’y Aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin.  (Juan 4: 35)

 

Ang hamon na ibinigay ng Panginoon ay para sa mga manggagawa, mga lalake at mga babae na may kaalaman sa pag-aani ng espirituwal na bukirin ng mundo para sa Kaharian ng Dios. Dito sa layuning ito nakatalaga ang Harvestime International Network, sa paghalina, pagsasanay, pagganyak, at pagpapakilos ng isang network ng mga magbubukid na pandaigdigan, na may kakayahang:

 

1. Mamagitan sa pananalangin para sa pandaigdigang pag-aaning espirituwal:

 

Nang magkagayo’y sinabi Niya sa Kaniyang mga alagad, Katotohana’y ang aanihin ay marami, datapuwat kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala Siya ng mga manggagawa sa Kaniyang aanihin.  (Mateo 9: 37-38)

 

2. Magsabi ng mga prinsipyo ng espirituwal na pag-aani:

 

At ang mga bagay na inyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.

(II Timoteo 2:2)

 

3. Magpakita ng mga prinsipyo ng espirituwal na pag-aani.

 

At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan.

Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios.  (I Corinto 2: 4-5)

 

4. Maipahayag ang pangangailangan ng madaliang pagkilos tungkol sa utos para sa pandaigdigang espirituwal na pag-aani.

 

Ang pag-aani ay nakaraan, ang tag-init ay lipas na, at tayo’y hindi ligtas.

(Jeremias 8: 20)

 

5. Pakilusin ang mga kaanib ng Katawan Ni Cristo upang anihin ang kanilang nakatakdang bukirin sa pandaigdigang pag-aani sa katapusan ng panahon.

 

   … na itinataan sa atin ang mga takdang sanglinggo ng mga pag-aani. (Jeremias 5: 24)

KAPAHAYAGAN NG DOKTRINA

 

Ang pakay at mga layunin ng Harvestime International Network ay nakatuon sa mga espirituwal na prinsipyo ng pag-aani na ipinahayag sa Salita ng Dios. Ang kapahayagan ng doktrina ng organisasyong ito ay nakasentro rin sa dakilang pangitaing ito:

 

ANG SALITA NG DIOS

 

Ang Binhi

 

Ang binhi ay ang Salita ng Dios…  (Lucas 8:11)

 

Ang mga Kasulatan ng Luma at Bagong Tipan ang tunay na Salita ng Dios, ang pundasyon ng pananampalatayang Kristiyano, pagkaunawa, buhay at ministeryo. Ang mga Kasulatan ay walang pagkakamali at hindi na dapat dagdagan, bawasan, o baguhin ng tradisyon o sinasabing kapahayagan:

 

Magpakailan man, Oh Panginoon, Ang Iyong salita ay natatag sa langit. (Awit 119: 89)

 

 

ANG TATLONG PERSONA NG DIOS

 

Ang Panginoon ng Pag-aani

 

Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin… (Mateo 9: 38)

 

Ang Kadiosan ay binubuo ng Dios Ama, Dios Anak na si Jesucristo, at Dios Espiritu Santo:

 

At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.  (I Juan 5:7)

 

 

Dios Ama:

 

May iisang Dios, walang hanggan, magpakailanman at sakdal, Lumalang ng Langit at lupa:

 

Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit, na Siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na Kaniyang itinatag, at hindi Niya nilikha na sira, na Kaniyang inanyuan upang tahanan: Ako ang Panginoon; at wala nang iba.

 (Isaias 45: 18)

 

 

 

 

 

Dios Anak, si Jesucristo:

 

Si Jesucristo ay makalangit na ipinaglihi ng Espiritu Santo at ipinanganak ni Birhen Maria. Siya ang sakdal na sakripisyo para sa kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan at sa pagkabubo ng Kaniyang dugo.

 

Nabuhay Siya mula sa mga patay sa Kaniyang niluwalhating katawan, nagpakita sa marami, umakyat sa Langit, at babalik sa lupa sa kapangyarihan at kaluwalhatian. Siya ngayon ang pangulo ng Kaniyang katawan, ang Iglesia, mananagumpay sa lahat ng kapangyarihan ng kadiliman, at nasa kanang kamay ng Dios na namamagitan para sa mga mananampalataya:

 

Kaya Siya naman ay pinakadakila ng Dios, at Siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, na nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos 2: 9-11)

 

 

Dios Espiritu Santo:

 

Ang Espiritu Santo ang nagkasi sa Salita ng Dios, pinahiran si Jesucrsito para sa Kaniyang ministeryo, pinuspos ang Iglesia ng kapangyarihan ng Pentecostes, at papalitan ang mga nasisirang katawan ng mga mananampalataya sa kaluwalhatian ng pagkabuhay na maguli.

 

Ang Espiritu Santo ang sumusumbat sa sanglibutan sa kasalanan, katuwiran, at paghuhukom; pinag-iisa ang tao kay Jesucristo sa pananampalataya, nagdadala ng bagong kapanganakan, at nananahan sa loob ng mananampalataya.

 

Ang bautismo ng Espiritu Santo ay nakalaan sa lahat ng naniniwala kay Jesucristo, at makikita ang ebidensiya sa pamamagitan ng pagiging makapangyarihang saksi ng ating Panginoong nabuhay na maguli, ganoon din ang tanda ng Gawa 2: 4:

 

Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.  (Gawa 1: 8)

 

Ang mga kaloob ng Espiritu ay nakalaan sa mananampalataya sa pamamagitan ng ministeryo ng Espiritu Santo, na ibinibigay sa bawat tao ayon sa Kaniyang nais:

 

Datapuwat ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayong ding Espiritu, na ibinabahagi sa bawat isa ayon sa Kaniyang ibig.  (I Corinto 12:11)

 

Ang Espiritu Santo rin ang nagpapalago ng bunga ng Espiritu, na nagpapabanal sa mananampalataya:

 

Datapuwat ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.  (Galacia 5: 22-23)

 

 

 

ANG TAO

 

Ang Manghahasik

 

Narito, ang manghahasik ay yumaon upang manghasik. (Marcos 4: 3)

 

Ang tao ay nilalang ng Dios sa larawan at wangis ng Dios. Dahil sa orihinal na kasalanan ni Adam at ni Eva, ang lahat ng tao ay nagkaroon ng kalikasan ng pagiging makasalanan. Hindi makakabalik ang tao sa Dios sa kaniyang sariling kakayahan, at siya ay nawala, at walang pag-asa maliban sa kaligtasan na ibinigay ni Jesucristo.

 

Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging Espiritung nagbibigay buhay. Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu. Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit. (I Corinto 15: 45-47)

 

 

 

KALIGTASAN

 

Ang Pag-aani

 

At ang naghasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga, ang ila’y tigisang daan, ang ila’y tigaanim na pu, at ang ila’y tigtatatlongpu.  (Mateo 13: 23)

 

Ang kaligtasan ay kaloob ng Dios sa pamamagitan ng biyaya at pananampalataya kay Jesucristo. Walang ibang pangalan maliban kay Jesucristo na ikaliligtas ng sangkatauhan.

 

Sa pamamagitan ng pagtalikod sa kasalanan, na dinadala ang bunga ng pagsisisi, at nagtitiwala kay Cristo at sa Kaniyang kamatayan para sa mga kasalanan ng lahat, ang tao ay ipinanganak na muli sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

 

Dahil sa pagtubos na ito ay dumating ang kapatawaran ng kasalanan, paglaya mula sa pagkabihag ng mundo, at kalayaan sa Espiritu ng Dios.

 

Dahil sa kagandahang-loob ng Dios ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo. At ang kaligtasang ito’y kaloob ng Dios, hindi mula sa inyo.

          Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.

                                          (Efeso 2: 8-9, MBB)

 

 

ANG IGLESIA

 

Ang Mga Manggagawa

 

Idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala Siya ng mga manggagawa sa Kaniyang aanihin.  (Mateo 9: 38)

 

Ang Iglesia ang Katawan at Kasintahang Babae ni Cristo. Ang pangunahing misyon ng Iglesia ay upang turuan ang lahat ng mga bansa at gawing mga alagad ang mga ito, na dinadala ang Ebanghelyo ng Kaharian sa lahat ng mga tao at mga bansa na may mga tandang nagpapatunay:

 

At sinabi Niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautisnuhan ay maliligtas; datapuwat ang hindi sumasampalataya ay parurusahan. At lalakip ang tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa Aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika; Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila’y magsisigaling.  (Marcos 16: 15-18)

 

 

 

ANG WAKAS

 

Ang Huling Pag-aani

 

At lumabas ang ibang anghel sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagkat dumating ang oras ng paggapas, sapagkat ang aanihin sa lupa ay hinog na.

                                           (Apocalipsis 14: 15)

 

Ang wakas ng lahat ng mga bagay ay kabahagi ang nakikita at maluwalhating pagbabalik ni Jesucristo, ang pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ang pagbabagong anyo ng mga nadatnang buhay kay Cristo sa paguhukom ng mga matuwid at mga hindi matuwid. Si Satanas, kasama ang kaniyang mga kampon at lahat ng mga taong labas kay Cristo, ay mahihiwalay mula sa presensiya ng Dios upang magdusa ng walang hanggang kaparusahan samantalang ang mga tinubos ay makakapiling ng Dios magpawalang hanggan:

 

Ngunit hindi namin ibig na kayo’y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo’y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pag-asa. Sapagkat kung tayo’y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama Niya. Sapagkat ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anumang paraan sa nangatutulog. Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.  (I Tesalonica 4: 13-17)

 

At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. (Apocalipsis 20:12)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE

 

ANG PANGALAN

 

Ang salitang “Instituto” sa halip na “sentro ng pagsasanay” o “paaralan” ang pinili, sapagkat ang salitang ito ay hindi lamang sentro ng pagsasanay kundi ito rin ay nangangahulugan ng pagkakaisa o kapisanan. Nakikita rito ang aspeto ng networking ng Harvestime International Network, na siyang nangangasiwa sa Instituto. Ang pangitain ay makipagtulungan sa mga ebanghelikong organisasyon sa pagsasanay ng layco.

 

Ang salitang “instituto” na pandiwa ay nangangahulugang “papangyarihin, linangin, pasimulan, ipaglihi, at ipanganak.” Ang Instituto ay ipinanganganak ang isang pangitaing naglalayon na pakilusin ang mga layco mula sa pangitain tungo sa katunayan, mula sa pagmamasid tungo sa kapahayagan ng kapangyarihan ng Dios.

 

 

KAMI AY HINDI…

 

- Ang Harvestime International Institute ay hindi isang seminaryo para sa mga nais na mag-aral ng mga usapin tungkol sa Teolohiya o pagsasanay sa mga lengguahe ng Biblia, arkeolohiya, kasaysayan, atbp.

 

- Ang Harvestime International Institute ay hindi nakikipagkumpetensiya sa mga tradisyonal na estraktura ng Paaralan ng Biblia. Para doon sa may mga kakayahang edukasyonal at pinansiyal na makapag-aral sa paaralan, hinihimok namin na mag-aral kayo sa tradisyonal na Paaralan ng Biblia. Ang aming pagsasanay ay para sa mga layco na mga lalake at babae na walang pagkakataong mag-aral sa Paaralan ng Biblia.

 

- Ang Harvestime International Network, ang organisasyong tumutulong sa Instituto, ay hindi isang denominasyon, at hindi nito nais magsimula ng isang estrakturang pang denominasyon. Kami ay isang “network” na gumagawang katulong ng mga denominasyon, mga iglesia, mga organisasyon, at mga bansa, upang magtindig ng mga manggagawa para sa bukiring aanihin sa buong mundo.

 

- Ang programa ng Institutong ito ay hindi upang paunlarin ang sarili. Hindi nagtuturo ang Dios ng pagpapaunlad ng sarili, kundi kinukuha Niya ang mga patay na lalake at babae at binibigyan sila ng espirituwal na buhay. Ito ay malaking pagkakaiba sa pagtulong sa sarili.

 

 

 

 

ESTRAKTURA AT GAWAIN

 

Ang Harvestime International Institute ay nagsasanay ng mga layco at ginagawa ito upang maabot ang bawat lebel ng Katawan ni Cristo. Ang pagsasanay na ito na nakabatay sa Biblia ay maaaring gamitin sa pansariling pag-aaral at sa maliliit na grupong pag-aaral sa mga bahay, organisasyon, paaralan, bilangguan, at mga iglesiang lokal, pambansa o pang buong mundo.

 

Ang Harvestime International Institute ay ipinaglihi ng Espiritu Santo bilang tugon sa tawag mula sa mga bukirin ng sanglibutan, para sa mga materiyales na nakatuon sa pagsasanay  ng karaniwang layco. Ang mga lider na nagsasanay ng mga layco ay natagpuan na ang karamihan sa mga programa sa pagsasanay ay may dalawang paraan ng pagtuturo:

 

Una, naroon ang pagsasanay ng karaniwang seminaryo o Bible College kung saan pinag-aaralan ang Latin, Griego, arkeolohiya ng Biblia, at marami pang mga kurso na hindi ginamit ni Jesus sa pagsasanay ng Kaniyang mga alagad. Karamihan sa mga kursong ito ay hindi kayang abutin ng karaniwang layco. Ang layo ng paaralan sa estudiyante at ang halaga ng matrikula ay nagiging sagabal din.

 

Ikalawa, naroon ang pagtuturong seminar, kung saan isa o dalawang bahagi ng pagsasanay ay nagaganap, na hindi sapat pangunahan ng isang karaniwang layco mula sa pangitain tungo sa katunayan. Halimbawa:

 

- Sa ibang mga seminar, itinuturo sa mga estudiyante kung “Paano Magkaroon ng Kapangyarihan ng Dios” na may diin sa mga himala, subalit walang pagsasanay sa praktikal na aspeto. Lalabas silang puno ng kapangyarihan subalit walang sapat na kaalaman kung paano gagamitin ito.

 

- Ang ibang seminar ay nakatuon sa “Ang Matagumpay Na Buhay Kristiyano,” samantalang hindi naituro ang mga pundasyon ng pananampalataya. Ang ilang taong tinuruan nila na mamuhay ng matagumpay na buhay ay hindi pa tunay na nauunawaan ang pagiging “born again.”

 

- Sa ibang seminar naman, ang mga estudiyante ay ipinakikilala sa malalalim na mga kapahayagan na nagpapasigla sa kanila, subalit hindi sila natuturuan kung paano mag-aral ng Salita ng Dios upang tumanggap sila ng sarili nilang kapahayagan mula sa Espiritu Santo. Nagiging tagakopya lamang sila ng kanilang narinig.

 

Ang Harvestime International Institute ay mas malawak kaysa isang seminar sa pamamaraan at sa nilalaman. Hindi naman nito sakop ang mga kurso sa Paaralan ng Biblia sapagkat hindi na isinali rito ang mga materiyales na hindi direktong kaugnay ng paglagong espirituwal at pagpaparami.

 

Ang Instituto ay hindi nakapirme sa isang lugar. Sa pamamagitan ng Internet, computer discs, at pagsasaling lokal, paglilimbag, at pamamahagi, ang mga kurso ay maaaring kunin kahit saang lugar sa mundo na sinasanay ang mga layco, kahit hindi sila umalis sa kanilang kinalalagyan. Ang mga estudiyante ay nakakapag-aral sa kontexto ng kanilang kultura, na pinapayagan ang kanilang pang araw-araw ng mga gawain ay manatili at nagagamit ito bilang laboratoryo upang maisagawa ang kanilang mga natututuhan. Ginagamit ng Instituto ang pagiging malayo ng estudiyante na maging positibo upang matuto sila na mag-aral na mag-isa. Ang hantungan ng edukasyon ay hindi turuan ang mga estudiyante na umasa sa mga guro, kundi sila ay matutong mag-aral sa kanilang sarili.

 

Ang Instituto ay hindi gumugugol ng milyon-milyong mga piso para sa semento at bato upang magtayo ng mga sentro ng pagsasanay. Ang pagsasanay ay maaaring gawin sa mga nakatayo nang mga gusali tulad ng tahanan, iglesia, o paaralan. Hindi nagtayo si Jesus ng mga gusali, subalit nadala Niya ang mga tao mula sa pangitain tungo sa katunayan. Ang nilalaman, hindi ang gusali, ang nagtatatag ng instituto bilang isang espirituwal na puwersa para sa Dios.

 

Isang dakilang lider sa Estados Unidos, si Benjamin Franklin, ang nagsabi, “Bigyan ninyo ako ng mga 26 na mga mahuhusay na sundalo at aking sasakupin ang buong mundo.” Ang tinutukoy niya ay ang 26 na mga letra ng English alphabet. Kinikilala niya ang kahalagahan ng nakalimbag na babasahin. Ang pamamahagi at pagsasalin ng nakasulat na Salita ng Dios ang nagpapakita ng bisa nitong uri ng komunikasyong ito.

 

* Sa nakalimbag sa Internet, o sa CD ROM, ang Harvestime International Institute ay madadala ang mga ito sa mga bansa na walang problema sa customs, o gastos ng pagpapadala sa koreo. Ito ay mababasa sa Internet nang walang bayad kahit saang panig ng mundo. Ang kopya ng kurikulum ay pinararami sa iba’t ibang bansa, na kayang bayaran ng karaniwang layco.

 

Ang Instituto ay hindi tradisyonal na kursong pasulat. Ang ganitong mga kurso ay mabisa lamang sa mga bansa na may mahusay na serbisyo ng koreo. Dahil sa ang Instituto ay nakatuon sa mga taong hindi karaniwang naaabot dahil nasa mga liblib na pook, ang kursong pasulat ay hindi epektibo dahil sa limitado ang serbisyo ng koreo.

 

Ang Instituto ay isang programang hindi nakasalalay sa kontrol ng Institute Headquarters. Nagbibigay tayo ng kurikulum at mga patnubay upang paramihin, isalin sa wika ng mga taga roon, at bumubuo ng mga sesyon ng pagsasanay, subalit hindi namin kontrolado ang mga detalye

ng pagpapatakbo ng mga lokal na Instituto. Ang pag-aalis ng kontrol mula sa itaas ay naging dahilan ng mabilis na paglago at nagbibigay ng kalayaan para sa programang tumatawid ng kultura, tulad nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

* Kung nais mong makatanggap ng CD ROM na naglalaman ng lahat ng mga kurso, pumunta ka sa aming web page sa  http://www.harvestime.org.

 

 

ANG DIIN SA KURIKULUM

 

Ang kurikulum ng Harvestime International Institute ay nagbibigay ng diin sa dalawang mahahalagang larangan:

 

Una: Kung ano ang itinuro ni Jesus sa salita at halimbawa upang magtindig ng mga sinanay at naganyak na mga laycong lider. Ang pagsasanay ay nakatuon sa kung ano ang itinuro Niya upang baguhin ang simpleng mga tao na maging mga Kristiyanong mabubunga na umaabot sa mundo na dala ang mensahe ng Ebanghelyo na may kapahayagan ng kapangyarihan. Madalas ang diin ay nakatuon sa mga paraan ng pagtuturo ni Jesus na kakaunti ang laman. Subalit ano talaga ang itinuro Niya na nagpabago sa mga mangingisda at maniningil ng buwis, na sila ay naging mga tagapag-aning pangsanglibutan.

 

Ikalawa:  Ang kurso ay nagbibigay diin kung ano ang ipinakita at itinuro sa panahon ng Mga Gawa at Mga Sulat kung saan pinasimulan ang Kaniyang mga plano sa unang Iglesia.

 

Ang diin na ito ay hindi minemenos ang kahalagahan at inspirasyon ng mga nalalabing mga Kasulatan. Madalas banggitin ni Jesus ang Lumang Tipan sa Kaniyang pagtuturo. Ibinase Niya ang Kaniyang buhay at ministeryo sa buong kapahayagan ng Salita ng Dios. Tinuturuan ng Instituto ang mga estudiyante ng mga paraan ng pag-aaral ng Biblia upang patuloy silang makapag-aral nito kahit tapos na ang kurso. Subalit ang pinakapokus ng pagsasanay sa Instituto ay ituro ang mga aral ni Jesus kung paano pakilusin ang mga tao mula sa pangitain tungo sa katunayan, at ng mga ipinahayag na mga estratehiya nang ang Kaniyang mga plano ay pasimulan sa Iglesia.

 

Bibigyan diin ng kurso ang pagpapakita, pagsasanay sa mga layco na maging kasangkot sa halip na tagamasid lamang. Ang kaalaman sa pag-iisip tungkol sa Dios ay hindi sapat:

 

Datapuwat maging tagatupad kayo ng Salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.  (Santiago 1: 22)

 

Ang tunay na pagka-alam ay nakukuha sa pamamagitan ng karanasan. Ang pag-aaral ay nagdudulot ng pagkaalam, subalit hindi karanasan. Ang pagtuturo ay pagiipon ng kaalaman, samantalang ang pagsasanay ay sa karanasan. Si Jesus ay isang personang buhay, hindi isang kaalaman lamang sa pag-iisip. Ang pakay ng pagsasanay ay hindi upang mag-ipon ng kaalaman, kundi aksiyon, kung saan nagiging posible ang ministeryo at ito ay nagiging katunayan. Hindi lamang ito sinasalita [ pinag-uusapan ang kapangyarihan ng Dios], kundi nakikita [isinasagawa]:

 

At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan:

Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios.  (I Corinto 2: 4-5)

 

Pinahahalagahan natin ang pagsasanay kaysa pagtuturo. Bagaman ang pagtuturo ay bahagi ng pagsasanay. Ang pagtuturo ay binibigyang laya ang mag-aaral na tanggapin o tanggihan ang natutuhan. Nais natin na ang mga estudiyante ay…

 

            … mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.

            (Lucas 1: 4)

 

Ang kurikulum ay dinadala ang mga estudiyante higit pa sa pagtuturo tungo sa pagsasanay kung saan ang pagkasangkot ay kinakailangan.

 

 

ANG PAGPAPARAMING ESPRITUWAL

 

Hinahamon ang mga estudiyante sa pagsangkot sa pagpaparaming espirituwal.

Ang unang panawagan ni Cristo sa Kaniyang mga alagad ay nakasentro sa pagpaparami:

 

At sinabi Niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan Ko, at gagawin Ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.  (Mateo 4: 19)

 

Ang huli Niyang utos ay magparaming espirituwal:

 

Dahil dito magsiyaon nga kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

 

Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos Ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.   (Mateo 28: 19-20)

 

Ang Iglesia ay isang espirituwal na katawan na binigyan ng utos. Dahil sa 99% ng Iglesia ay layco, ang puwersang ito ay hinihimok na magparami upang anihin ang mga espirituwal na bukirin ng mga bansa sa buong mundo. (Tingnan “Ang Hamon: Pagsasanay Ng Layco” sa Ikatlong Bahagi ng Patnubay na ito).

 

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga prinsipyo ng Kasulatan, ang bunga ng pagsasanay na ito ay ang bawat mananampalataya ay may kakayahang magtindig ng iba pang nahamon na mga Kristiyano, na magbukas ng bagong “network” ng ebangheslimo sa buong mundo. Kahit hindi sila magturo ng klase sa Sunday School, mangaral, o maglingkod sa isang grupo, ang bawat mananampalataya ay maaaring maging bahagi ng pagpapalawak ng “network” ng ebanghelismo.

 

Hindi ito plano na napag-isipan ng isang tao o organisasyon, kundi ito ay plano ng Dios na ipinakita sa mga kasulatan. Ito ay nakasalalay sa prinsipyong ibinigay ni Apostol Pablo sa isang batang ministro na nagngangalang Timoteo:

 

At ang mga bagay na inyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.

(II Timoteo 2:2)

 

 

 

PAG-UNLAD

 

Para sa isang pagsasanay na malawak ang sakop upang pakilusin ang layco mula sa pangitain tungo sa katunayan, gamitin ang mga kurso ayon sa tamang hanay na ipinaliwanag sa “Kurikulum” na bahagi ng manwal na ito. Ang bawat module o kurso ay kumpleto sa kaniyang sarili, at pinapayagang ang isang kurso ay magamit na hiwalay sa iba, kung nais mo. Halimbawa, magagamit ng pastor ang “Saligan Ng Pananampalataya” sa isang klase ng mga bagong hikayat kahit hindi siya kumuha ng ibang kurso na iniaalok ng Instituto.

 

 

 MGA TAUHAN NG INSTITUTO

 

Bagaman ang kurikulum ay maaaring ituro ng pastor o lider na Kristiyano, ang Headquarters ng Harvestime International Institute ay mayroon mga gurong maaaring magturo kung aanyayahan at kung sila ay walang kompromiso sa oras na iyon. Ang mga guro, mga manunulat, mga editors, at iba pang mga kasangkot sa Harvestime International Institute ay hindi tumatanggap ng suweldo. Bilang kabahagi ng networking ministry, ang marami sa kanila ay may kanilang sariling ministeryo at nag-uukol lamang ng panahon at kakayahan sa Harvestime. Dahil dito, kapag kayo ay nag-anyaya ng tagapagturo, aming pahahalagahan kung makakatulong kayo sa gastos ng kanilang paglalakbay. Kung may pondo, ang Harvestime International Institute ay nagpapadala ng “staff member” upang tulungan kayo magpasimula ng Instituto ayon sa inyong kahilingan. Para sa dagdag na impormasyon sa mga bisitang tagapagturo o “staff assistance” sa pagtatatag ng Instituto, tumawag o sumulat sa international headquarters.

 

 

MGA MANUNULAT NG KURIKULUM

 

Ang mga katulong ng Harvestime International Network na sangkot sa paghahanda ng kurikulum para sa Instituto ay galing sa iba’t ibang lider ng mga grupong ebanghelico. Ang iba ay mga pastor, mga guro, at mga manunulat sa sekular o gawain ng ministeryo. Ang iba ay nagtapos ng Masters sa mga kilalang institusyon. Subalit hindi natin nilimitahan ang mga manunulat sa mga taong nagtapos sa mga paaralan ng Biblia o Teolohiya. Ang ilang mga manunulat ay nasa aktuwal na pagsasanay ng mga layco sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang kanilang mga ibinabahagi ay nakakatulong upang matuon ang pansin sa mga praktikal na aspeto at maiwasan ang puro kaalaman lamang sa pag-iisip. Dinadala nila sa programa ang pananaw ng buong mundo mula sa kanilang pinaglilingkurang Kristiyanong gawain. Ang lahat ng mga manunulat ay kuwalipikado, born again, puspos ng Espiritu, mga Kristiyanong pundamental na naniniwala sa banal na inspirasyon ng Salita ng Dios. Sila ay nagkakaisa na mahalaga ang pagsasanay. Ito ang nagbubuklod sa kanila sa isang bagong network ng ebanghelismo na may layunin na magtindig ng mga manggagawa para sa pag-aani ng bukirin sa buong mundo.

 

 

 

 

 

KURIKULUM

 

PATNUBAY SA PAGPAPABATID AT PAMAMAHALA

 

Ipinakikilala ng manwal na ito ang Harvestime International Network at Institute. Mga layunin, mga pakay, at ang pagunlad ng kurso ay tinalakay. Ang patnubay ay nagpapaliwanag kung paano gagamitin ang Instituto sa indibiduwal o grupong pag-aaral. Ang manwal na ito ay isang mahalagang kagamitan para sa mga indibidual o grupo na nagbabalak kumuha ng kumpletong pagsasanay sa Instituto. (ISBN # 1-930703-01-5)

 

 

MGA PANGUNAHING KURSO NG PAGSASANAY

 

UNANG MODULE:  PAGTANAW

Ipinababatid ang pangitain ng pag-aaning espirituwal.

 

MGA ESTRATEHIYA PARA SA PAG-AANING ESPIRITUWAL:

 

Ang unang panawagan ni Jesuscristo sa mga tao ay ang pagpaparaming espirituwal: “Sumunod kayo sa Akin, at gagawin Ko kayong mamamalakaya ng mga tao.” Ang Kaniyang huling tagubilin, Ang Dakilang Utos, ay hinamon din ang Kaniyang mga tagasunod na magparaming espirituwal. Sa paggamit ng pagtutulad sa natural na pag-aani, ang kursong ito ay nakatuon sa mga pangako ng espirituwal na pag-aani, mga bagay na nakakasagabal sa pag-aani, at mga susi sa mabisang pag-aani. Ipinababatid dito ang pangitain na nais matupad ng pagsasanay ng Instituto sa mga estudiyante. (ISBN # 1-930703-02-3)

 

IKALAWANG MODULE:  PAGHIHIRANG

Pagsasanay sa mga manggagawa na tuparin ang pangitain.

 

MGA SALIGAN NG PANANAMPALATAYA:

 

Binibigyang diin ng kursong ito ang wastong pundasyon sa buhay at ministeryo sa pamamagitan ng pagpokus sa mga saligan ng pananampalatayang Kristiyano na tinukoy sa Hebreo 6:1:  Pagsisisi, pananampalataya, bautismo, pagpatong ng mga kamay, pagkabuhay na maguli, at walang hanggang paghuhukom.  (ISBN # 1-930703-03-1)

 

PAMUMUHAY NA PINAGHAHARIAN NG DIOS:

 

Ang “Ebanghelyo ng Kaharian” ay ipangangaral sa buong mundo bago dumating ang Panginoong Jesucristo (Mateo 24:14). Ang pagkaunawa ng mga prinsipyo ng kaharian ay kailangan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian. Ang kursong ito ay nakatuon sa mga modelo at mga prinsipyo ng pamumuhay sa Kaharian na maaaring isagawa sa buhay at ministeryo.  (ISBN # 1-9030703-04-x)

 

MGA ESTRATEHIYANG ESPIRITUWAL: ISANG MANWAL SA PAKIKIBAKANG ESPIRITUWAL:

 

Pinakikilos ng kursong ito ang mga mag-aaral sa kabila pa ng natural na mundo tungo sa larangan ng espiritu. Ang mga taktika ng kaaway ay sinusuri, at ang mga estratehiya ng pakikibakang espirituwal, na tinitiyak ang tagumpay laban sa mga prinsipyo at kapangyarihan ng larangan ng espiritu, ay ipinaliliwanag.  (ISBN # 1-9030703-05-8)

 

ANG MINISTERYO NG ESPIRITU SANTO:

 

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa ministeryo ng Espiritu Santo, bungang espirituwal, at mga espirituwal na kaloob. Ang mga estudiyante ay pinapatnubayan na madiskubre ang kanilang espirituwal na kaloob at lugar ng ministeryo sa Katawan ni Cristo.  (ISBN # 1-9030703-06-6)

 

PAGKILALA SA TINIG NG DIOS:

 

Ipinaliliwanag ng kursong ito kung paano nangungusap ang Dios sa tao ngayon at kung paano hahanapin ang Kaniyang pangkalahatan at tiyak na plano para sa buhay. Isang Kristiyanong modelo ang ibinigay para sa paggawa ng desisyon, kasama ng mga patnubay sa pananagumpay laban sa mga maling desisyon, mga hakbang na dapat gawin kung hindi mo nasunod ang kalooban ng Dios, at mga paraan sa pakikitungo sa mga may maling ginagawa.

(ISBN # 1-9030703-07- 4)

 

MGA MABIBISANG PARAAN NG PAG-AARAL NG BIBLIA:

 

Sinasangkapan ng kakayahan ang mga estudiyante ng kursong ito kung paano mag-aaral ng Biblia matapos ang pagsasanay sa Instituto. Itinuturo sa mga estudiyante kung paano pag-aralan ang Biblia sa pamamagitan ng aklat, kabanata, parapo, talata, at salita. Ang ibang mga paraan ay ang pag-aaral ng talambuhay, pagbubulay-bulay at debosyon, teolohiya, pag-aaral ng mga tipo, at mga paksa. Mga tanging patnubay sa pag-aaral ng tula at hula sa Biblia ay ipinakita, at ang mga estudiyante ay tinuturuan ng paraan ng paggawa ng tsart at pagbabalangkas.

(ISBN # 1-9030703 -08 -2)

 

PAGSISIYASAT NG BUONG BIBLIA:

 

Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng kabuuan ng buong Biblia. Mga balangkas ng pag-aaral ng bawat aklat ng Biblia ay ibinigay upang lalong palawigin ng estudiyante. Unang Bolyum:

Pambungad at Lumang Tipan (ISBN # 1-9030703 -09 -0).  Pangalawang Bolyum: Bagong Tipan

(ISBN # 1-9030703 -10 -4).

 

 

IKATLONG MODULE:  PAGPAPARAMI

Pinararami ang espirituwal na puwersa ng mga sinanay.

 

PAGBUO NG PANANAW SA MUNDO BATAY SA BIBLIA:

 

Sinusuri ng kursong ito ang pananaw sa mundo batay sa Biblia mula Genesis hanggang Apocalipsis. Idinitalye ang plano ng Dios para sa mga bansa ng sanglibutan mula sa pasimula. Ang makabagong pangangailangang espirituwal sa buong mundo ay inilahad.

(ISBN # 1- 9030703 -11 -2)

 

MGA PARAAN NG PAGTUTURO:

 

Sa kursong ito ay sinuri ang mga paraan ni Jesus ng pagtuturo at pangangaral ng Ebanghelyo. Ang mga estudiyante ay tinuturuan kung paano maghanda at maglahad ng aralin at kung paano magturo at mangaral ng Ebanghelyo.  (ISBN # 1- 9030703 -12 -0)

 

MGA PARAAN NG PAGPAPARAMI:

 

Inilahad ang plano ng Dios ng pagpaparami. Ipinakikita ng pag-aaral na ito kung paanong ang isang Kristiyano ay nananagot sa pagpaparami ng libu-libong sinanay at hinamon na mga mananampalataya. Binigyang diin ang mga prinsipyo ng paglago ng Iglesia.

(ISBN # 1-9030703 -13-9)

 

MGA PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN:

 

Ang unang Iglesia ay ipinanganak sa kapahayagan ng kapangyarihan ng Dios. Ang mga prinsipyo ng kapangyarihan na itinuro sa kursong ito ay sinasangkapan ng kakayahan ang mga estudiyante para sa pag-aaning espirituwal, at pinakikilos sila mula sa mga tagapagmasid tungo sa pagpapahayag ng kapangyarihan ng Dios. (ISBN # 1-9030703 -14-7)

 

 

IKA-APAT NA MODULE:  PAGTATATAG

Isinasaayos ang mga kayamanan na bunga ng pagpaparami.

 

 

MGA PRINSIPYO NG PANGANGASIWA SALIG SA BIBLIA:

 

Isang pagbabalik-aral ng mga prinsipyo ng pangangasiwa salig sa Biblia na may diin sa paglilingkod bilang alipin, pangangasiwa ayon sa Biblia, at mga estratehiya para sa tagumpay ayon sa Kasulatan. (ISBN # 1- 9030703 – 15 -5)

 

 

 

MGA PRINSIPYO NG PAGSUSURI NG KAPALIGIRAN:

 

Napag-aaralan ng mga estudiyante ang pagsusuri ng kapaligiran na pansarili, bilang isang iglesia, at isang organisasyon. Natututuhan nila kung paano sinusuri ang espirituwal na kalagayan ng isang nayon, lunsod, probinsiya, o bansa, bago ito pasukan ng mensahe ng Ebanghelyo.

(ISBN # 1-9030703 – 16 -3)

 

PANGANGASIWA BATAY SA LAYUNIN:

 

Ang lahat ng ginawa ni Jesus ay nakasentro sa mga dakilang layunin ng Dios. Ang kursong ito ay nagsusuri sa mga layunin ni Cristo sa ministeryo at tinuturuan ang mga estudiyante na isagawa ang pangangasiwa ng kanilang buhay at ministeryo batay sa layunin.

(ISBN # 1-9030703 -17-1)

 

IKALIMANG MODULE:  PAGPAPAKILOS

Pakilusin ang espirituwal na puwersang gumagawa sa pamamagitan ng praktikal na pagsasagawa.

 

MGA PARAAN NG PAGPAPAKILOS SA MGA TAO:

 

Ang kursong ito ay naglalahad ng mga paraan sa pagpapakilos ng mga espiritruwal na puwersa para sa Dios, at ipinaliliwanag ang praktikal na pagsasagawa ng pangitain ng Harvestime sa mga tiyak na lugar ng ministeryo. Mayroon ding mga kursong kaugnay ng iba’t ibang larangan ng ministeryo sa pamamagitan ng module na ito. (ISBN # 1- 9030703 -18 –x )

 

 

IKA-ANIM NG MODULE:  PANGHIHIKAYAT

Ang pangitaing ito ay naging katunayan sa proseso ng panghihikayat ng kaluluwa tulad ng pagkalat ng lebadura.

 

PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA TULAD NG PAGKALAT NG LEBADURA:

 

Ang Ebanghelyo ng Kaharian ay kumakalat sa buong mundo tulad ng lebadura sa masa ng tinapay: Ang lebadura ay kakaunti at tago, subalit ang kaniyang impluwensiya ay walang hangganan. Itinuturo ang mga epektibong pamamaraan ng pagkalat ng Ebanghelyo, kasama ang detalyadong pagtuturo tungkol sa ministeryo ng pagpapalaya, pagtatanim ng iglesia, at mga sistema ng pakikipag-ugnayan sa ibang mga ministeryo. (ISBN # 1-9030703 – 19 -8)

 

 

 

 

 

DAGDAG NA MGA KURSO

 

KABABAIHAN: SA PANANAW NG BIBLIA:

 

Isang pag-aaral ng lahat ng itinuturo ng Biblia tungkol sa mga babae at ang kanilang papel na gagampanan sa ministeryo. Kasali rin ang pag-aaral ng mga aklat sa Biblia ng mga babaing may pangalang – Ruth at Esther – at mga tulong para sa pag-aaral ng talambuhay ng lahat ng babae sa Biblia. ( ISBN # 1–9030703 –20-1)

 

ISANG MANWAL SA PAGMIMINISTERYO SA MGA BILANGGO:

 

Isang kumpletong patnubay para sa ministeryo sa mga bilanggo. Kasama rito ay mga patakaran sa pakikipagsulatan at pagbisita sa mga bilanggo, pagdaraos ng mga grupong gawain sa mga bilangguan, pag-abot sa mga pamilya ng mga bilanggo, at paglilingkod sa mga may sentensiyang bitayin. (ISBN # 1-9030703-22-8)

 

PANANALANGIN NG PAMAMAGITAN:

 

Isang patnubay sa pananalangin ng pamamagitan na nagbibigay ng mungkahi kung paano manalangin, ano ang dapat ipanalangin, kailan hindi dapat manalangin, mga pagkukunan ng materiyales sa panalangin, panalangin ng pamamagitan sa buong mundo, at mga bagay na nagiging sagabal sa pananalangin. (ISBN # 1-9030703-23-6)

 

ANG PAKIKIBAKA PARA SA KATAWAN:

 

Isang pag-aaral ng lahat ng itinuturo ng Biblia tungkol sa makalangit na pagpapagaling. Kumpletong mga patnubay sa pagtanggap at pagmiministeryo ng kagalingan.

(ISBN # 1-9030703-21- x )

 

PAGHAHANDA NGAYON PARA SA KINABUKASAN:

 

Sa Internet lamang ito makikita. Isang malawak na pag-aaral ng hula sa Aklat ng Apocalipsis.

 

ANO ANG GAGAWIN KUNG HINDI MO ALAM ANG GAGAWIN:

 

Sa Internet lamang ito makikita. Ito ay nakabatay sa kuwento ni Jehoshaphat. Ang aklat na ito ay nagbibigay ng mga estratehiya kung ano ang dapat gawin kapag may krisis –kung hindi mo alam ang iyong gagawin.

 

PATNUBAY PARA SA NAGMIMINISTERYO SA ALTAR:

 

Sa Internet lamang ito makikita. Isang manwal ng pagsasanay para sa mga naglilingkod sa altar.

IKALAWANG BAHAGI:

 

 

PATNUBAY SA PANSARILING

 PAG-AARAL

 

HANAY NG MGA KURSO

 

Ang bawat kurso ay may kaayusang tulad ng workbook. Kung may pahintulot ang Instituto, ang bawat workbook ay maaaring paramihin at gamitin upang magturo sa iba. Ang mga tagubilin para rito ay nasa bahagi ng patnubay sa pamamahala. Ang bawat kurso ay mayroong:

 

Pahinang Pambungad: Tinutukoy dito ang kurso bilang bahagi ng Instituto.

 

Paano Ang Paggamit Ng Manwal Na Ito: Isang maikling patnubay sa paggamit ng kurso.

 

Mga Mungkahi Para Sa Pag-aaral Sa Grupo: Mga patnubay sa paggamit ng kurso sa grupo.

 

Pambungad Sa Kurso: Tinutukoy dito ang module kung saan ang kurso ay isang bahagi, ibinibigay ang pangalan ng kurso, at inilalahad ang pambungad sa paksa.

 

Mga Layunin Ng Kurso: Ang mahahalagang layunin ay sinasaad kung ano ang inaasahan na magagawa ng estudiyante pagkatapos ng kurso.

 

Pag-aayos Ng Mga Kabanata: Ang bawat kabanata ay may pambungad at listahan ng mga layunin para sa kabanatang iyon. Ang susing talata ay nakatuon sa pangunahing konsepto na itinuturo sa kabanata.

 

Ang nilalaman ng aralin ay nakalahad sa binagong pormat. Ang ibig sabihin nito ay hinati ang buong aralin sa mga pamagat at maliliit na pamagat, mga tanging pamagat na nagsasaad ng nilalaman ng mga sumusunod na parapo. Ang ganitong pormat ay nakakatulong sa mga estudiyante na maituro ang kanilang natutuhan sa iba sa pamamagitan ng pagsunod sa balangkas.

 

Pansariling Pagsusulit: May pansariling pagsusulit sa katapusan ng bawat kabanata. Ang mga sagot sa pansariling pagsusulit ay matatagpuan sa katapusan ng huling kabanata sa manwal.

(Pansinin: Kung ikaw ay nagtuturo sa isang grupo, at ayaw mong makita ng mga estudiyante ang mga sagot, alisin mo lamang ang mga pahinang ito na may mga sagot.)

 

Para Sa Dagdag Na Pag-aaral: Ito ang huling bahagi ng bawat kabanata. Hinihimok ang dagdag na pansariling pag-aaral sa paksa.

 

MGA KAGAMITAN SA PAG-AARAL

 

Ang kurikulum ng Harvestime International Institute ay ginawa na hindi kinakailangan ang ibang reperensiya upang makumpleto ang mga kurso. Hindi mo kailangan an konkordansiya ng Biblia, diksiyonaryo, Bible handbook, atlas, o komentaryo, atbp. Kung mayroon ka ng mga gamit na ito, mabuting gamitin mo. Subalit hindi ito kailangan upang matapos mo ang pagsasanay. Hindi mo kailangan ang King James Version ng Biblia sa iyong wika.

 

 

PITONG MGA HAKBANG SA PAG-AARAL

 

Magtakda ng tanging oras sa pag-aaral sa bawat araw. Laging magpasimula sa panalangin sa Dios upang gawing maliksi ng Espiritu Santo ang iyong pag-iisip upang matutuhan ang mga katotohanan ng Dios. Sundin mo itong plano na “Pitong Mga Hakbang Sa Pag-aaral.”

 

UNANG HAKBANG – Suriin ang Kurso:

 

Basahin ang module at pamagat ng mga kurso sa pambungad na pahina ng manwal. Gamitin mo ang listahan ng kurikulum na ibinigay sa patnubay upang makita mo kung saan angkop ang modelo ng pagsasanay sa Instituto. Basahin ang pamagat ng mga kabanata sa “Nilalaman” ng manwal. Ipinakikita rito ang pangkalahatang pananaw ng paksa. Basahin ang “Pambungad” na nagpapakilala sa paksa. Basahin ang “Mga Layunin Ng Kurso.” Ang mga ito ang pangunahing tinutudla sa pag-aaral mo ng kursong ito. Matapos mong pasadahan ang kurso, ikaw ay handa nang pasimulan ang unang kabanata. Para rito at sa lahat ng mga kabanata gamtin ang Pangalawa hanggang Pang-Anim na mga hakbang.

 

PANGALAWANG HAKBANG – Suriin ang Kabanata:

 

Basahin ang “Mga Layunin” ng Kabanata. Ito ang mga hantungan na dapat mong maabot sa pag-aaral ng leksiyon. Basahin ang “Susing Talata” at isaulo mo ito para sa “Pansariling Pagsusulit.” Ang talatang ito ang buod ng mahalagang konsepto ng kabanata. Basahin ang “Pambungad” sa kabanata. Ipinakikilala rito ang nilalaman ng aralin. Pasadahan mo ang kabanata at basahin ang mga pamagat [ mga pamagat na nasa gitna], at maliliit na mga pamagat [ mga pamagat na kapantay ng palugit sa kaliwa]. Ang mga ito ang nagpapakilala ng balangkas ng kabanata.

 

IKATLONG HAKBANG– Pag-aaral ng Kabanata:

 

Ngayon ay handa ka nang pag-aralan ang kabanata nang detalyado. Basahin ang buong kabanata. Huwag mong laktawan ang anumang bahagi. Sa iyong pagbasa, guhitan mo ang mahahalagang puntos at sumulat ka ng mga kaisipan o mga katanungan sa palugit. Kapag sinabing tingnan mo ang talata sa Biblia at basahin ito, gawin mo ito.

 

 

 

 

IKA-APAT NA HAKBANG – Balik-aral ng Kabanata:

 

Pagbalik-aralan mo ang mga layunin sa pasimula ng kabanata. Naabot mo ba ang mga hantungang ito sa iyong pag-aaral? Kung hindi, pag-aralan mong muli ang aralin. Kaya mo bang bigkasin nang saulado ang susing talata? Balikan mo ang mga pamagat ng kabanata, maliliit na pamagat, at ang iyong mga isinulat at ginuhitang mga bahagi.

 

IKA-LIMANG HAKBANG – Pansariling Pagsusulit:

 

Sagutin mo ang pagsusulit sa dulo ng kabanata. Kapag natapos mo ito, ihambing ang iyong mga sagot sa wastong sagot sa likod ng manwal. Pag-aralang muli ang mga bahagi na hindi mo nasagot nang wasto.

 

IKA-ANIM NA HAKBANG – Para Sa Dagdag Na  Pag-aaral:

 

Gawin ang mga proyekto sa “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi. Ang mga gawaing ito ay magpapaunlad sa iyong wastong ugali ng pag-aaral at palalawakin ang iyong kaalaman sa paksa.

 

IKA-PITONG HAKBANG – Balik-aral Ng Kurso:

 

Sa pagtatapos mo ng lahat ng kabanata sa kurso, balikan mo ang mga pangunahing layunin na ibinigay sa pasimula ng manwal. Naabot mo ba ang mga pangunahing layuning ito? Kung hindi, kailangan mong magbalik-aral ng ilang bahagi ng aralin.

 

Kapag natapos mo ang kurso, markahan mo ang petsa kung kailan mo natapos ito sa “Student Record” na ibinigay sa patnubay na ito. Makakatulong ito na matandaan mo ang mga kursong natapos mo na.

 

 

PAGKUHA NG MGA KURSO NA MAY “CREDIT”

 

Para sa impormasyon kung paano tatanggap ng “credit” mula sa Harvestime Institute, pumunta sa web page sa:

 

http://www.harvestime.org

 

 

 

 

 

 

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE

STUDENT RECORD

                                               (Talaan Ng Estudiyante)

 

 

MODULE           PETSA        PANGUNAHING KURSO NG PAGSASANAY

                            NATAPOS

 

              

PAGTANAW   

 

__/__/__       Mga Estratehiya Para Sa Pag-aaning Espirituwal

 

 

PAGHIHIRANG

 

 

__/__/__      Mga Saligan Ng Pananampalataya

__/__/__     Pamumuhay Na Pinaghaharian Ng Dios 

___/___/___   Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal Sa     

                       Pakikibakang Espirituwal

___/___/___   Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo

___/___/___   Pagkilala Sa Tinig Ng Dios

___/___/___   Mga Mabibisang Paraan Ng Pag-aaral Ng Biblia

___/___/___   Pagsisiyasat Ng Buong Biblia

 

 

PAGPAPARAMI

 

                                   ___/___/___   Pagbuo Ng Pananaw Sa Mundo Batay Sa Biblia

___/___/___   Mga Paraan Ng Pagtuturo

___/___/___   Mga Paraan Ng Pagpaparami

___/___/___   Mga Prinsipyo Ng Kapangyarihan

 

PAGTATATAG

 

                         ___/___/___   Mga Prinsipyo Ng Pangangasiwa Salig Sa Biblia

      ___/___/___    Mga Prinsipyo Ng Pagsusuri Ng Kapaligiran

      ___/___/___    Pangangasiwa Batay Sa Layunin

 

 

 

PAGPAPAKILOS

 

                         ___/___/___ Mga Paraan Ng Pagpapalikos Sa Mga Tao

 

 

PANGHIHIKAYAT

 

                         ___/___/___    Panghihikayat Ng Kaluluwa Tulad Ng Pagkalat Ng Lebadura

                       

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKATLONG BAHAGI:

 

 

PATNUBAY SA PAMAMAHALA

 

Ang bahaging ito ay nagbibigay ng patnubay sa pamamahala sa paggamit ng mga materiyales ng Harvestime International Institute sa pagtuturo sa grupo.

 

 

ANG HAMON:  PAGSASANAY NG LAYCO

 

Ang Ebanghelyo ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa. Matutupad ba ito sa henerasyong ito? Magagawa lamang ito kung ang layco ay sinanay upang ikalat ang mensahe ng Ebanghelyo. Kapag sinasabi nating “layco” ito ay mga lalake at babae na hindi propesyonal na mga ministro. Ito ay binubuo ng 99 % ng Iglesia.

 

Sa halip na ihiwalay ang mga ministro sa mga layco, tulungan natin ang bawat born again na mananampalataya na matupad ang kaniyang personal na katungkulan sa pagtupad ng Dakilang Utos. Hindi maaabot ng buong mundo ng Ebanghelyo kung ang mga ministro lamang ang magdadala ng mensahe. Walang sapat na propesyonal na ministro upang magawa ito.

 

Ang pakikilahok ng layco ay isa sa mga susi sa paglago ng unang Iglesia. Sa Gawa 8:1, nabasa natin na dahil sa pag-uusig nagsipangalat ang mga Kristiyano sa buong Judea at Samaria. Ang mga lider ng Iglesia ay nanatili sa Jerusalem at…

 

            …Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang Salita.

            (Gawa 8:4)

 

Hindi lamang ang mga lider subalit ang mga layco na nagsipangalat ay ginawa ang mahalagang bahagi sa pagpapalaganap na mensahe ng Ebanghelyo.

 

Mula sa pasimula, ang pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay gawain ng mga layco. Ang mga lalaking tulad ni Pedro at ni Juan ay mga mangingisda na walang pagsasanay. Ang karamihan sa ministeryo at gawain ng mga misyonero sa unang Iglesia ay ginawa ng mga hindi propesyonal, mga karaniwang lalake at babae na may mga gawaing sekular.

 

Nang sinikap ni Saulo na sirain ang unang Iglesia, itinala sa Biblia na pumasok siya sa mga templo at “sa bawat bahay” na hinuhuli ang mga mananampalataya (Gawa 8:3). Kinilala niya na ang pag-aalis ng mga propesyonal na ministro ay hindi magpapatigil sa pagkalat ng Ebanghelyo. Ang bawat layco ay isang Kristiyanong nanganganak at ang bawat tahanan ay sentro ng ebanghelismo.

 

Kung ating aabutin ang mundo ng mensahe ng Ebanghelyo at ititigil ang pag-unlad ng kaaway, ang mga ministro at mga layco ay dapat magsanib ng puwersa. Ang mga mananampalataya ay hindi lamang mga pira-pirasong bahagi ng iglesia na nakakalat sa komunidad at nagsasama-sama upang sumamba, maturuan, at magkaroon ng pagsasamahang Kristiyano. Sa pang araw-araw na buhay sila ay mga embahador ng Kaharian ng Dios na umaabot sa mga tao na hindi kailan man papasok sa iglesia o dadalo sa isang pagtitipong pangrelihiyon.

 

Sinabi ni Pablo kay Timoteo na pumili siya ng mga taong tapat at ituro sa kanila ang mga bagay na itinuro ni Pablo sa kaniya. Ang mga taong tapat na ito ay may kakayahang magturo sa iba. Sa pamamagitan ng maayos na planong ito ng pagsasanay ng layco, ang Ebanghelyo ay kakalat sa buong mundo.

 

Ang pagpili ng mga “tapat na lalake at babae” ang susi sa mabisang pagsasanay ng layco. Ang mundo ay kinukuha ang mga taong may kakayahan at pinagsusumikapang bigyan sila ng karakter. Nakapokus sila sa paglikha ng mga propesyonal. Sinabi ng Dios na kumuha kayo ng mga tapat na tao na may karakter at sila ay sasangkapan ng mga espirituwal na kakayahan.

 

Sa pagsunod sa planong ibinigay sa II Timoteo 2:2, ang Iglesia ay makakaranas ng malaking paglago. Kahit sa paraang isahan, ang paglago ay kamanghamangha.

 

Tingnan mo ang tsart sa susunod na pahina. Ito ay gumamit ng isang taon bilang karaniwang panahon na kinakailangan upang madisipulo ang isang bagong hikayat hanggang sa siya ay maging mabungang Kristiyano. Sa katunayan, ang proseso ay maaaring dumali o tumagal depende sa mga taong kasangkot.

 

Subalit ang paggamit ng isang taon bilang karaniwang panahon, kung ang isang mananampalataya ay aabot sa isang taon at aalagaan siya bawat taon, at papangakuin siya na magdisipulo rin ng isang tao sa bawat taon, ang buong mundo ay madaling maaabot ng mensahe ng Ebanghelyo.

 

Pansinin sa tsart na ang mananampalataya ay nag-aalaga ng isang tao sa unang taon. Sa pagtatapos ng taon, mayroon nang 2 tapat ng mga tao [ang mananampalataya at ang taong dinisipulo niya].

 

Sa susunod na taon, bawat isa sa kanila ay magdidisipulo ng isa. Sa dulo ng pangalawang taon, may 4 na tao na, na ang bawat isa sa kanila ay magdidisipulo ng isa sa susunod na taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

                       NAGDIDISIPULO                DISIPULO               KABUUAN

 

TAON  17        65,536                                   65,536            =            131,072

          

TAON  16        32,768                                    32,768            =              65,536

 

TAON  15        16,384                                    16,384            =              32,768

 

TAON  14          8,192                                       8,192           =             16,384

 

 TAON  13         4,096                                       4,096           =                8,192

 

 TAON  12         2,048                                       2,048           =                4,096

 

 TAON  11         1,024                                       1,024           =                2,048

 

 TAON  10            512                                           512          =                1,024

 

 TAON    9            256                                           256          =                   512

 

  TAON   8            128                                           128          =                   256

 

  TAON   7              64                                              64         =                   128

 

  TAON   6              32                                              32         =                      64

 

  TAON   5              16                                              16         =                      32

 

  TAON   4                8                                                8         =                      16

 

   TAON  3                4                                                4         =                        8

 

   TAON  2                2                                                2         =                        4

 

   TAON  1                1                                                1         =                        2

 

 

 

ANG BANAL NA PLANO NG DIOS SA PAGPAPARAMI AT PAGPAPAKILOS

Kapag kinuha mo ang karaniwang bilang ng mga miembro ng iglesia na humigit-kumulang sa 100 na mga tao at dinagdagan mo ang tsart na ito ng 100 na mga tao na ang bawat isa ay nagdidisipulo ng isang tao sa bawat taon, at ang mga dinisipulo ay ipagpapatuloy ang pag-ikot na ito, madaling makita kung paano natin maaabot ang buong mundo sa ating henerasyon.

 

Pinagkatiwalaan ni Jesus ang mga layco ng malalaking responsabilidad sa ngalan ng Ebanghelyo. Kinuha Niya ang mga manginigsda mula sa kanilang mga bangka, ginawa Niya silang mga mamamalakaya ng mga tao. Naniwala Siya na ang karaniwang tao ay magiging hindi pangkaraniwan kung kinasihan ng Espiritu Santo.

 

Ang layunin ng Harvestime International Institute ay ikalat ang pangitain ng pagsasanay sa layco na siyang paraan ng Dios ng pagpaparami sa buong mundo. Sa layco nakatuon ang Instituto at sa proseso ng pagpaparami ayon sa II Timoteo 2:2 ito nakatalaga.

 

MGA LEBEL NG KAKAYAHAN SA PAGPASOK

 

Ang kakayahan sa pagbasa sa lebel na Elementarya ay kinakailangan upang magamit ng mga etudiyante ang mga materiyales na ito na walang tulong mula sa iba.

 

 

PAG-AANGKOP NG MGA ARALIN SA MGA HINDI NAKAKABASA AT NAKAKASULAT

 

Kung ang grupo ay kulang sa kakayahan para sa lebel ng pagpasok o hindi sila nakakabasa at nakakasulat, ang mga panuntunan sa pag-aangkop ng materiyales sa kanila ay ibinigay sa Harvestime International Institute na kursong pinamagatang, “Mga Paraan Ng Pagtuturo.”

 

 PAGTATATAG NG MGA PERMANENTENG INSTITUTO

 

Detalyadong mga tagubilin sa pagtatatag ng extensiyon ng Harvestime International Institute ang ibinigay sa kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang “Mga Paraan Ng Pagpaparami.” Mayroon din tayong CD ROM na tinatalakay ang lahat ng kinakailangan upang magtatag ng Instituto – ang buong estratehiya, bawat “form”, handbook, mga talaan, mga pagsusulit sa bawat kurso, atbp. Tingnan mo ang Immediate Institute CD ROM sa ating web page.

 

PAGTATALA NG MGA REKORD

 

Kung itinuturo mo ang lahat ng kurso ng Instituto at nais mong tumanggap ng sertipiko ang mga estudiyante, gumawa ka ng maraming kopya ng “Student Record” form na nasa Ikalawang Bahagi ng manwal. Magtala ka ng rekord para sa bawat estudiyante, o turuan ang mga estudiyante na magkaroon ng sarili nilang rekord ng pag-aaral. Matapos makumpleto ng grupo ang lahat ng kurso sa “Student Record,” gumawa ka ng sertipiko ng pagtatapos upang ibigay sa kanila.

 

PANG-GRUPONG PAG-AARAL: PAUNANG PAGHAHANDA

 

Kung wala ka pang karanasan sa pagtuturo sa grupo, iminumungkahi namin na kunin mo ang kursong, “Mga Paraan Ng Pagtuturo.” Ang kursong ito ay nakatuon sa mga paraan ng pagtuturo na ginamit ni Jesus sa Kaniyang pagsasanay sa Kaniyang mga alagad upang abutin ang mundo ng Ebanghelyo. Sundin mo ang mga hakbang na ito sa pagtatatag ng Instituto:

 

1. Mag-order ka mula sa Instituto ng unang kurso na nais mong ituro.

 

2. Kumpletuhin ang kahilingan sa pagpaparami ng kopya at magpakopya ng sapat para sa iyong grupo.

 

3. Kung ang iyong mga estudiyante ay tatapusin ang buong kurikulum, magpakopya ka ng maraming “Student Record” form upang dito maitala ang kanilang mga natapos na kurso. (Tingnan ang Ikalawang Bahagi ng patnubay na ito).

 

4. Magtipon ng isang grupo ng mga nagmamalasakit na mananampalataya upang manalangin, magbuo, at mag-anunsiyo ng Instituto.

 

5. Itatag ang estraktura ng organisasyon. Tukuyin ang mga lider, mga guro, at ang kanilang mga responsabilidad. Itakda ang petsa, oras at lugar para sa pagdaraos ng klase.

 

6. Ipabatid sa madla na may Instituto. Kung ikaw ay mamimili ng mga susing lider, at ang pagsasanay ay hindi bukas sa lahat ng layco, hindi dapat ipahayag ang Instituto. Pagsabihan ang bawat isang lider at ibigay sa kanila ang oras, petsa, at lugar para sa unang sesyon. Kung bukas ang pagsasanay sa lahat ng Kristiyanong layco sa komunidad, dapat ipahayag ang pagtitipon.

 

Kung ikaw ay nakatira sa isang baryo o liblib na pook, ang iyong pagpapabatid ay sa pamamagitan ng salita. Kung ikaw ay nasa lunsod, maaari kang maghanda ng mga posters at pulyeto para ipamudmod. Ilagay ang mga ito sa mga lugar na pinagtitipunan ng mga Kristiyano. Ilagay sa mga iglesia, mga Christian Bookstores, at hilingin sa mga lokal na mga ministro na ipahayag ang pagsasanay na ito sa kanilang pulpito o sa newsletter ng iglesia.

 

Humingi ng listahan ng mga address ng mga organisasyong Kristiyano at mga iglesia, at magpadala ng anunsiyo sa koreo kung mayroon nito sa inyong rehiyon. Magpadala ng impormasyon tungkol sa Instituto sa mga lokal na diyaryo, sa radyo at estasyon ng telebisyon sa inyong rehiyon.

 

Sa lahat ng pahayag, ilagay ang pangalan ng organisasyon, petsa, oras, lugar, at pakay ng inyong pagtitipon. Ilagay mo rin ang iyong pangalan, address, numero ng telepono bilang kontak para sa dagdag na impormasyon.

 

 

 

 

 

PAG-AARAL SA GRUPO:  PAGDARAOS NG SESYON NG PAG-AARAL

 

 

PAMBUNGAD NA PAGTITIPON:

 

-Buksan ang unang pagtitipon sa panalangin at pagpapakilala ng mga lider ng grupo at mga miembro.

 

-Kunin ang mga pangalan at address ng mga dumalo. Ito ay upang ma-kontak mo sila bago dumating ang susunod na pagtitipon.

 

-Ipaliwanag sa grupo ang mga gagawin:  Mga lider ng grupo, mga guro, petsa, oras, at mga lugar ng pagtitipon.

 

-Magdaos ng oras ng pagpupuri at pagsamba, inaanyayahan ang Espiritu Santo sa oras ng pagsasanay.

 

-Ipakilala ang Harvestime International Institute, ang pakay nito at mga layunin. Gamitin ang tinalakay sa paksang ito sa Unang Bahagi ng patnubay na ito.

 

-Ilahad ang pangkalahatang pananaw ng buong kurikulum kung gagamitin mo ang buong programa ng pagsasanay. Ipaliwanag kung ano ang kaugnayan ng unang kurso sa programang ito.

 

-Ipamahagi ang mga manwal para sa unang kurso.

 

-Pagbalik-aralan ang “Pitong Hakbang Sa Pag-aaral” sa pansariling pag-aaral na ibinigay sa Ikalawang Bahagi nitong patnubay. Bigyan ng kopya ang bawat estudiyante ng kopya ng mga hakbang na ito upang maging patnubay nila sa pag-aaral. Sa tuwing ipakikilala mo ang isang bagong kurso, pasadahan mo ang kurso kasama ang mga estudiyante. (Ang Unang Hakbang ng “Pitong Mga Hakbang Sa Pag-aaral” ay ibinigay sa Ikalawang Bahagi nitong patnubay).

 

-Ilahad ang pangkalahatang pananaw ng unang leksiyon. Magbigay ng gawaing bahay na babasahin at gagawin ng mga estudiyante na tatapusin bago dumating ang susunod na pagtitipon.

 

-Wakasan ang pag-aaral sa panalangin at pagmiministeryo sa mga estudiyante.

 

 

SUSUNOD NA PAGTITIPON

 

-Magbukas sa panalangin.

 

-Tanggapin ang mga bagong miembro ng grupo at bigyan sila ng manwal.

 

-Pagpupuri at Pagsamba.

 

-Aralin:  Talakayin ang bawat bahagi ng kabanata na napag-aralan na. Himukin ang mga estudiyante na magtanong o magbigay ng puna.

 

-Pagbalikan ang “Pansariling Pagsusulit” na magkakasama. Tingnan kung ito ay nasagutan ng mga estudiyante nang maayos. Maaari mong gawin ang “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na proyekto bilang isang grupo sa halip na pang isahan.

 

-Ibahagi ang dagdag sa pag-aaral na nagawa mo sa paksang ito. Gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo:

 

            -Tanong at sagot

            -Talakayan ng grupo  

          -Gumamit ng mga tsart at diagram sa ikalilinaw ng aralin.

            -Bayaang mag-report ang mga estudiyante tungkol sa ilang piling bahagi ng aralin.

            -Isangkot ang mga mag-aaral. Mas madaling matuto ang mga estudiyanteng kasangkot.

-Isagawa sa buhay ng mga estudiyante ang kanilang mga natututuhan. Bigyan diin ang  praktikal na pamumuhay, pagkasangkot at pagpapakita kung paano ginagawa ang mga bagay.

-Maglaan ng tanging panahon ng pag-aalay at pagtatalaga ng buhay sa Dios.

-Laging paglingkuran ang mga miembro ng grupo na may tanging pangangailangan at bayaan ang Espiritu Santo ay kumilos sa inyong mga klase ng pagsasanay.

 

 

PAGTATAPOS NG KURSO:

 

Tingnan ang mga natapos na mga kurso sa “Student Record” form kung ang iyong grupo ay naghahangad ng sertipiko. Hamunin ang mga miembro ng grupo na gamitin ang kanilang mga natutuhan at ituro ito sa kahit isang tao sa susunod na taon. Sa gayon ay magpapatuloy ang pagsasanay.

 

Kung nagpahayag ang estudiyante ng pagnanais na magturo ng isang grupo:

 

1. Bigyan mo siya ng kopya ng “Patnubay Sa Pagpapabatid at Pamamahala.”

2. Ituro mo sa kaniya ang bahaging “Mga Mungkahi Para Sa Pag-aaral Sa Grupo” na nasa manwal ng mga kurso.

3. Imungkahi mo na kunin niya ang kurso ng Instituto na pinamagatang “Mga Paraan Ng Pagtuturo.”

 

 

 

 

 

 

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL NETWORK

 

Mga Patakaran Sa Pagpapakopya At Pagsasalin

 

Tinanggap natin ang hamon sa Habacuc 2:2 at Awit 68:11. Sinabi sa atin ng Panginoon na “isulat mo ang pangitain at gawin mo itong malinaw.” Subalit dapat nating ilagay ito sa mga kamay ng “mga mananakbo,” sila na nangasa unahan ng ebanghelismo. Ito ang dahilan kung bakit pinahihintulutan namin ang maramihang pagpapakopya at ang pagsasalin ng mga materiyales ng Harvestime sa ilalim ng mga patakarang ito. Ang Harvestime International Network ang nagmamay-ari sa lahat ng kurikulum, subalit nagpapahintulot ito ng pribilehiyo ng pagpaparami at pagsasalin sa ilalim ng mga sumusunod na kasunduan:

 

1. Walang pagbabagong gagawin sa mga materiyales maliban lamang kung may kaugnay ito sa pagsasalin sa ibang wika.

 

2. Mananatili ang nakasulat sa harap at likod na takip ng manwal, pati ang pambungad na mga pahina at ang kumpletong address. Ang mga pahinang ito ang tumutukoy sa mga materiyales at narito rin ang kontak sa aming organisasyon kung kailangan ng dagdag na mga manwal.

 

3. Ang pagpaparami ng mga kopya ay pinahihintulutan sa mga “copying machines” lamang. Hindi pinahihintulutang ipalimbag at “bookbind” ang mga kursong ito. Ang mga aklat na ito ay dapat bilhin sa Harvestime. Ito ay isang paraan kung paano namin sinusustentuhan ang aming ministeryo upang makapagbigay kami ng mga materiyales na walang bayad sa pamamagitan ng Internet sa ibang bansa.

 

4. Ang manwal na iyong kinopya ay hindi maibebenta nang higit sa 15% katumbas ng iyong ginasta sa “copying machine.” Ang halagang ito ay inilalaan sa mga gastos ng administrasyon at pagpaparami ng mga materiyales. Itinakda namin ang 15% sa ibabaw ng aktuwal na halaga upang hindi ibenta ito nang napakamahal na hindi makayanan ng karaniwang layco. Malaya kang ibenta ang mga kurso sa iyong halaga o ipamigay ang mga ito kung kaya mong gawin.                                              

 

5. Ang mga forms ng “Reproduction Notification” at/o ang “Translation Notification” ay ibinibigay sa Harvestime International Network na siyang nagbibigay ng pahintulot dito.

 

6. Kung magsasalin ng kurso, ang kopya ng tapos nang salin ay ipadadala sa Harvestime International Network sa 14431 Tierra Drive, Colorado Springs, CO 80921, U.S.A.

 

7. Mga Patakaran Sa Internet:  Pinahihintulutan kang mag-download ng mga kurso na walang bayad sa iyong computer, ilimbag ito, at paramihin ito sa mga makinang kumokopya. Maaari ka ring maki-ugnay sa aming site/ o ilagay ang aming mga kurso sa iyong site na may kaugnayan sa Harvestime site. Hindi ka maaaring sumingil sa mga kurso ng Harvestime sa Internet. Kung nais ng mga tao na kunin ang mga  kurso na may “credit”, kailangan silang magpatala sa Harvestime website. Ang aming website ay: http://www.harvestime.org

 

HARVESTIME INTERNATIONAL NETWORK

 

Pahintulot Sa Pagpapakopya Nang Maramihan

 

Pangalan mo:

 

________________________________________

Address:

________________________________________

Denominasyon o Organisasyon na Kinakatawan Mo:

________________________________________

Paano mo gagamitin ang mga materiyales na pararamihin mo?

________________________________________


Ang Harvestime International Network ang nagmamay-ari ng copyright ng lahat ng kurikulum na inihanda ng Instituto, subalit nagbibigay ito ng pahintulot ng pagpapakopya sa ilalim ng mga sumusunod na patakaran:

 

1.    Walang mga pagbabagong gagawin sa mga materiyales maliban lamang na may kaugnay sa   

       pagsasalin nito sa ibang wika.

2.    Ang takip at pambungad na mga pahina ay mananatili at pararamihin.

3.    Ang manwal ay hindi ibebenta nang higit sa 15% higit sa nagastos sa paglilimbag.

4.    Ang form na ito ng “Reproduction Notification” ay isusumite sa Harvestime International    

       Network bago magpalimbag.

 

 

Sumasang-ayon ako sa mga patakaran at kondisyong ito:

 

 

Pirma ________________________________________     Petsa _____________________

 

 

 

Ipadala ang kumpletong kahilingang ito sa Harvestime International Institute Headquarters:

14431 Tierra Dr., Colorado Springs, CO 80921, U.S.A.

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL NETWORK

 

Pahintulot Sa Pagsasalin

 

Pangalan mo:

 

________________________________________

Address:

________________________________________

Denominasyon o Organisasyon na Kinakatawan Mo: ________________________________

Paano mo gagamitin ang mga materiyales na isasalin?

________________________________________

Anu-anong kurso ang iyong isasalin? ________________________________________

Sa anong wika mo isasalin ang mga materiyales? ____________________________________


Ang Harvestime International Network ang nagmamay-ari ng copyright ng lahat ng kurikulum na inihanda ng Instituto, subalit nagbibigay ito ng pahintulot ng pagsasalin sa ilalim ng mga sumusunod na patakaran:

 

1.   Walang mga pagbabagong gagawin sa mga materiyales maliban lamang kung may kaugnay  

       ito sa pagsasalin sa ibang wika.

2.   Ang takip at pambungad na mga pahina ay mananatili at isasalin.

3.   Ang manwal ay hindi ibebenta nang higit sa 15% higit sa nagastos sa paglilimbag.

4.   Ang form na ito ng “Translation Notification” ay isusumite sa Harvestime International     

      Network bago magsalin.

5.   Ang kopya ng tapos nang salin ay ipadadala sa Harvestime Headquarters:

     14431 Tierra Dr., Colorado Springs, CO 80921, U.S.A.

 

 

Sumasang-ayon ako sa mga patakaran at kondisyong ito:

 

Pirma ________________________________________     Petsa _____________________

 

 

Ipadala ang kumpletong kahilingang ito sa Harvestime International Institute Headquarters:  14431 Tierra Dr., Colorado Springs, CO 80921, U.S.A.